may student permit (to drive) na ako. masaya. kahit pagod. kahit papaano.
legal at tamang proseso ng pagkuha ng student permit.
pumunta sa lto (sa quezon city ako kumuha), harapan. (sa likod muna kami pumunta. tapos sinabi na sa harapan na). magtanong lang sa mga guard. hindi sa mga tao na may mga id na hindi malaman kung ano. sinabi namin nakukuha kami ng student permit. dinala kami sa kabilang street. drug test daw muna. tapos 'di lumao ay nalaman din nilang magkukuha kami ng student permit. kaya bumalik uli kami sa kabilang kalsada. nagtanong kami sa guwardiya. kumuha ng gate pass. dito pa lang ay mahaba na ang pila. sobrang madaling utoin ang mga guard. pagkatapos nito ay dumeretso sa pagkukuhaan ng student permit. magtanong - tanong na lang. lumapit sa guawardiya at humingi ng form. fill-upan ang form, kumuha ng number at hintayin na tawagin ang number. nakasulat sa number ko ay 124. ang number ng kami'y dumating ay 66. nakasulat sa number ko ay waiting time 2:03. akala ko ay 2 minutes and thirty secdonds. 'yun pala ay 2 hours and 3 minutes. maghintay na tawagin ang number. ito ay tatawagin ng alin man sa mga windows 1-5. nang kami'y dumating. dalawa dito ang gumagana. ang tatlo sira. sa dalawang gumagana isa lang ang may tao. ang isa nakaupo lang sa isang tabi ang tao at may takip ang bintana. ihanda na ang mga papeles kung saka-sakaling tatawagin: kopya ng birth certificate, ang form na binigay ng guard, at xerox copy ng isang id na may larawan ng mag-aapply. hindi ko alam na kailangan ng xerox copy ng kahit anong id kaya nagpaphotocopy pa ako. malapit lang naman ang xerox machine. pagkatapos nito, hintaying matawag sa window six. dito kukunan ng retrato para sa permit. siguraduhing ngingiti ka. dahil kung hindi ay mabubungangaan ka doon. sa megaphone ka pa bubungangaan. oo, lahat ng window ay may access sa megaphone. pagkatapos nito ay pipirma ka sa isang pad. maswerte ka na lang pag hindi kinilatis ang pirma mo. pagkinilatis ito, maririnig ng lahat. yehey. window six na ako. hindi ko ineexpect na matatawa ako ng biglang may nagsalita sa megaphone: "...Kagandahan, Ariel; Kuto, nakalimutan ko na name niya... please proceed to window seven.". kaya ayun. napatawa ako ng hindi oras. pinaulit tuloy sa akin. pagkatapos nito ay sa window seven naman. ihanda ang eksaktong halaga ng 127.80 kung ayaw mong ipahiya ka doon. nang ako ay tinawag... lumapit ako sa window. kinuha ko ang aking coin purse at nagbilang na ng pera. sa megaphone "hijo, bilis-bilisan mo naman... blah blah blah blah blah blah". kaya ayun. nalaman ng lahat na mabagal ako kumuha ng pera. hintaying matawag sa window 12 upang makuha ang permit. mga 12 na noon. nasa harap na kami ng window 12. sa megaphone "alas dose na po, maglulunch break po muna kami. bumalik na lang po tayo ng ala una at magpahinga muna. magandang tanghali po". merong isang nagsalita. akala ko megaphone. isang babae pala. "sus! anong klaseng serbisyo yan oh. kanina pa kami ditong 7:30... blah blah blah blah blah blah". lumapit kami sa window 12. baka po andyan na yung kay... nakuha ni ate yung sa kanya. yung sa akin wala pa. note. magkasunod lang kami. bumalik kami ng 1. tinawag na naman ang mga nakakatawang apilyedo... "santolan... kuto... pilosopo... makaspa...". tumunog uli ang megphone "please proceed to window 12... oco, nathaniel...". tinawag na rin ako sa wakas. pagnakuha na ang iyong pangalan sa window 12 sumayaw tumalon at magpakabaliw. kahit sakyan mo pa ang tumirik na owner na ginagamit ng mga taga-lto para sa practical testing. siya nga pla, 'wag kumuha sa mga fixers. meron doon isa, may fixer na kasama. mas matagal pa siya kay sa sa amin. ang mga fixers ay para sa mga taong hindi marunong magtanong.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home